Pages

Tuesday, October 16, 2012

Da Best Ang Pasko Ng Pilipino


DA BEST ANG PASKO NG PILIPINO
Maraming araw sa ating buhay
Ang hinahanap may kalayuan
Di matanaw, di nauubusan ng tiwala sa sarili
Lakas ng dasal.
Alam mong sa dulo ng bawat taon
Naghihintay ang masayang panahon
(Pinapawi) Lahat ng lumbay
(Pangungulila) Ng paghihintay.
Ang damdamin ay tumatawid
Sa lupa, sa dagat, o sa langit
Mainit na palad sa gabing malamig
Pinaglalapit ng pag-ibig.
Ito ang Pasko (ng Pilipino)
Pagmamahal ang pinagsasaluhan
Ito ang Pasko (ng Pilipino)
Inaangat ang isa’t isa
Ito ang Pasko (ng Pilipino)
Panginoon ang laging kasama
Ito ang Pasko (ng Pilipino)
Saan man sa mundo
Da Best ang Pasko ng Pilipino.
Anumang pinagdaanang may kabigatan
Wala naman tayong di nakayanan
Nasaan ka man walang maiiwanan
Ang bawat isa, ang ating tahanan.
Lumalaki ang bawat puso
Lumalalim ang pagsasama
Sa pinakamahaba,
pinakamasayang Pasko sa mundo.
Da Best ang Pasko ng Pilipino…

No comments:

Post a Comment